Simula bukas, epektibo na ang bagong round ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng oil companies, magbabawas ng katiting na P0.20 sa kada litro ng gasolina.
Mayroon ding rollback na P0.20 sa kada litro ng diesel; at P0.50 sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang tumapos sa labing-isang linggong sunud-sunod na oil price hikes.