Seth at Francine, nagmura sa bagong TV series

Malayo sa mga dating pa-tweetums na proyekto ang bagong mini TV series na pagbibidahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz kasama ang iba pang casts.

Sa grand media day ng “Fractured” ay inamin ng Franseth na kinabahan sila pero excited sa mga maipapakita pa sa kanilang mga fans sa bagong bagong proyekto.

Ayon kay Seth, naging maingat sila sa proyekto at madalas silang nagme-meeting ni Francine kasama si Direk Thop Nazareno para pag-usapan ang mga gagawin.

Pag-aamin ni Seth, may mga eksena silang nagmumura at nagsisigawan.

“Ah kinabahan kami, kinabahan..kasi nga yun nagmumura kami dito..sumisigaw..parang malayo po doon sa mga nagawa namin.” pahayag ni Seth.

Ayon naman kay Francine, masaya sila sa mas mature na proyekto dahil bahagi ito ng kanila umanong growth bilang mga artista.

“Yong Fractured may pagka-mature na siya para sa amin na i-play yung ganong roles. Pero at the same time ay na-excite po kami kasi nagsilbing ano rin po siya parang guide para sa growth naming as an actors and actresses po.” paliwanag naman ni Francine.

Samantala, sinabi naman ni Direk Thop na makabuluhan at napapanahon ang kanilang ipapakita sa bagong proyektong ito na nagpapakita ng kapahamakan sa social media.

Ang Fractured miniseries ay mix of drama at coming-of-age story na may halong thriller vibe.

Nabatid na nanatili sa isla ang buong casts sa shooting ng proyekto.

Makakasama ng Franseth sina Jennica Garcia, Raven Rigor, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Daniela Stranner, Sean Tristan, Jervi Li at ang batikang aktres na si Mylene Dizon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *