Sexy actress na si Angeli Khang, kinasuhan dahil sa pagpo-post nito ng mga malalaswang video

Muli na namang nagsampa ng kaso ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) sa Pasay City Prosecutor’s Office laban sa isa namang aktres ng isang multi-media company na si Angeli Khang.

Ito ay matapos nitong mag-post ng anim na sex scenes video na nagpapakita ng girl to girl sexual act at iba pang malalaswang gawain.

Ayon sa KSMBPI, tinutuligsa nila ang nasabing aksyon dahil bukas na bukas at verify ang social media page ng nasabing aktres kung kaya’t prone itong makita ng mga menor de edad.

Kaugnay nito, haharap sa anim na bilang ng kasong kriminal si Khang dahil sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa Republic Act No.10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Samantala, tatlo pa umanong celebrity ang pinaplano nilang kasuhan dahil na rin sa parehong dahilan o paglabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *