Shabu at pampasabog nakuha sa isang mangingisda sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang mangingisda matapos makuhaan ng iligal na droga at pampasabog sa isinagawang operasyon ng pulisya maghahatingabi ng Sabado sa Purok San Vicente, Barangay Matoogtoog, Mercedes, Camarines Norte.

Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si Benjie Delen y Seeping, 45 anyos, may kinakasama at residente sa nabanggit na lugar.

Naglunsad ng operasyon ang Mercedes MPS sa bisa ng search warrant na inilabas ng hukuman laban sa suspek.

Nakuha sa nasabing operasyon ang isang bukas na pakete na naglalaman ng siyam na pirasong maliit na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na .07 gramo na nagkakahalaga ng limang libong piso at drug paraphernalia.

Nakuha rin umano sa suspek ang isang granada.

Mahaharap ang suspek sa kaukulang kaso na ngayon ay nasa kustodiya ng Mercedes MPS para sa nararapat na disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *