NAGA CITY- Ayos na sana, nalihis pa. Ito ang nangyari sa lalaking nakapag avail ng plea bargaining at nasa ilalim ng programa ng Naga City Dangerous Drugs Board, matapos na mahulog ang shabu na dala nito.
Sa ulat ng Naga City Police Office, isinumbong sa kanila ng staff ng NCDDB ang pangyayari kung saan kukuha sana ng urine sample sa 25-anyos na suspek na residente ng Sagrada Familia , Barangay Peñafrancia, pero nakita na nahulog ang pakete ng hihininalang shabu mula sa underwear nito.
Ang suspek ay dati nang naaresto sa ipinagbabawal na gamot, nag plea bargaining at nirefer ng korte para sumailalim sa programa ng NCDDB sa loob ng anim na buwan at regular ang monitoring dito. Ayon kay Toti Importante ng naturang opisina, for certificate na sana ang suspek, pero kahapon nasayang ang pagsisikap ng NCDDB personnel para sa pagbabagong buhay nito.
Mahaharap ito sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…