Shaira, opisyal nang kinilala bilang “Queen of Bangsamoro Pop”

KINILALA na ng Tiktok ang rising singer na si Shaira bilang “Queen of Bangsamoro Pop” matapos mag-hit ang kaniyang kantang ‘Selos’ na umaalingangaw ngayon sa iba’t ibang mga music streaming service.

Si Shaira Moro ay isang tubong Mindanao na kung saan kasalukuyang gumagawa ng kaniyang pangalan sa kabila nang walang promotion, TV Guestings at maging walang ahensya na humahawak sa kaniya.

UPDATE: Sa inilabas na ulat ng AHS Channel nitong Marso 16, mahigit-kumulang isang taon na ng unang sumampa si Shaira sa kanilang pangangalaga para makapagbigay ng kaniyang sariling kanta.

Dahil sa kaniyang husay sa pag-awit, kinilala na ng isang music streaming app na ‘Spotify’ ang kaniyang kantang ‘Selos’ matapos ngang  makasama sa Spotify’s viral hits chart nitong March 8 na kung saan pumapalo na sa 845,000 ang streams.

Sa ngayon, daan-daang libo na rin ang mga Tiktok entry ng kaniyang kanta.

Komento ng netizen: “It’s so refreshing and fun na umaabot sa charts si Shaira. Best news I’ve heard in local music.” ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *