Shakeys SM Legazpi Branch isinailalim sa Temporary Lockdown; empleyado nagpositibo sa Covid-19

LEGAZPI CITY – Isinailalim sa Temporary Lockdown ang isang Food Restaurant sa SM Mall Legazpi sa Barangay Bitano lungsod ng Legazpi dahil sa empleyadong nagpositibo sa Covid-19.

Ayon sa latest public advisory ni Legazpi City Mayor Noel Rosal, epektibo na kahapon ang pansamantalng lockdown ng Shakeys SM Legazpi Branch sa Barangay Bitano lungsod ng Legazpi.

Aniya, ito’y para bigyang daan ang isasagawang contact tracing at testing ng lokal na gobyerno sa mga posibleng nagkaroon ng exposure sa Covid positive na empleyado.


Maliban pa rito, bibigyan rin ng panahon para makapagsagawa ng disinfection sa nasabing food restaurant.


Ayon pa kay Rosal, ibabalik na lng ang operation ng nasabing establishmento kung natapos na ang isinasagawang contact tracing at testing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *