Sharon Cuneta, emosyonal na nagpaalam sa pamilya sa kanyang pagtungo sa abroad

Emosyonal na nagpaalam si Mega Star Sharon Cuneta sa kanyang pamilya nang umalis ito papuntang abroad nang hindi sila kasama.

Sa post ni Cuneta sa Instagram ay makikita ang kanilang pamilya na nagyayakapan at nagdadasal bago ang pag-alis ni Sharon.

Sinabi ng Mega Star sa caption ng post: “Praying and saying bye to my family”.

Makikita naman sa hiwalay na post ni Sharon ang litrato niya na naka-personal protective equipment at pati na rin ang mga litrato ng kanyang passport, at ng mga signages na tungkol sa health protocols sa airport.

Ayon kay sharon: “I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys,”

Kasalukuyang nagsisilbi si Sharon bilang judge ng celebrity competition na “Your Face Sounds Familiar” na nakapag-taping na ng mga advanced episodes nito.

Hindi naman nabanggit ng singer kung mananatili ito sa abroad ng panandalian o sa loob ng mahabang panahon, at kung ano ang rason ng kanyang desisyon na mag-ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *