Sharon Cuneta, isiniwalat na nagpabawas ito ng dibdib sa Amerika

Isiniwalat ng aktres at singer na si Sharon Cuneta na nagkaroon ito ng breast reduction procedure sa Estados Unidos.

Binanggit ng Megastar ang detalye ukol dito sa ginanap na press conference para sa pelikula niyang “Revirginized”, matapos mapansin na nagkakaproblema ito sa kaniyang bra strap sa ginanap na online event.

Inihayag ni Sharon, na bagamat nag-gain siya ng weight ay meron isang bagay ang nabawas sa kaniya, at ito ang kaniyang hinaharap.

Ipinunto niya na malaki ang nadagdag sa kaniyang timbang, at nag-breastfeed pa siya noon sa kaniyang anak na si Miel.

Pagkatapos niyang mag-gain at mag-lose ng weight, ay puro skin at fats ang natira sa kaniya, na dahilan aniya kung bakit niya pina-reduce ito.

Inamin rin ng aktres na sumailalim din ito sa breast lift procedure.

Iginiit rin ni Sharon na dati na niyang ipinahiwatig sa isa sa kaniyang post na meron mababawas sa kaniya.

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang litrato nito sa pelikulang Revirginized kung saan ay makikita na suot nito ang isang red bikini.

Doon ay sinabi niya sa caption: “Titigan nyo na pong mabuti. Kasi baka may liliit na po sa pics na yan. Hahahaha!”

Mababatid na nakabalik na si Sharon sa Pilipinas noong nakaraang linggo, at sa ngayon ay nasa quarantine pa siya matapos ang kaniyang tatlong buwan na pananatili sa Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *