Show cause order vs Mayor Isko binawi na ng DILG

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na binawi na ng DILG ang show cause order na inilabas laban kay Metro Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Año ang naturang order ay batay sa Performance Audit na isinagawa ng DILG sa mga local chief executive ng Metro Manila noong 2018.

Nilinaw ng kalihim ni-recall ang naturang show cause order at hindi ito kailangan sagutin ni Moreno.

Ayon sa DILG ito ay dahil hindi pa Alkalde si Moreno noong 2018 dahil nahalal lamang ito noong 2019 elections.

Wala naman pahayag si dating Manila Mayor Erap Estrada kaugnay sa naturang isyu, kung saan siya ang nakaupong alkalde noong ginawa ang performance audit report.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *