Show cause order vs. Roro Bus Trans., posible – LTFRB 4B

Inihayag ni Atty Roent Ylagan ang Legal Officer, LTRFB MIMAROPA sa Brigada na maaaring mag-isyu ng show cause order ang LTFRB sa kompanya ng RORO bus.

Ito ay bunsod ng pinakahuling aksidente na kinasangkutan ng bus company sa Barangay Langongan sa Puerto Princesa.

Ayon kay Atty. Ylagan, bago ito ay titingnan muna ng opisina ang police report at accident report na ipinasa ng kompanya.

Agad umanong nabatid ng LTFRB ang insidente na ikinamatay ng isang pasahero na si Arvine Anting Fuentes noong ika- 31 ng Oktubre 2022.

Ipinagdiinan pa ni Atty Roent Ylagan na may obligasyon ang RORO bus company sa kanilang mga pasahero.

Sa programang TIRA Brigada, sinabi nito na required ang mga transport company tulad ng RORO na magkaroon ng passenger accident insurance.

Ibig sabihin, sa oras na may aksidente na sangkot ang pasahero ay ito ang kanilang lalapitan para sa insurance.

Maibibigay umano ang insurance kung naipasa agad ng Bus transport ang mga requirements.

Samantala, pinayuhan ni Atty. Ylagan ang pamilya ng naulilang pasahero na dumulog sa LTFRB sa hinihinging tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *