Signal no. 2 nakataas sa ilang lugar dahil sa bagyong ‘Paeng’

Itinaas na sa signal number 2 ang Tropical Cyclone warning sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng signal number 2 ay ang Catanduanes, Albay, Sorsogon, at eastern portion ng Camarines Sur.

Signal number 2 din ang mga probinsiya ng Northern Samar at northern portion ng Eastern Samar sa Region 8.

Nakataas naman ang signal number 1 sa Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Camarines Norte, ibang bahagi ng Camarines Sur, Romblon, Marinduque, Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Laguna, at Rizal
Visayas.

Signal number 1 sa Samar, ibang bahagi ng Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at northern portion ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands

Sa Mindanao signal number 1 ang Dinagat Islands, Surigao del Norte ksama ang Siargao at Bucas Grande Islands at northern portion of Surigao del Sur.

Patuloy naman ang paglakas ng bagyong Paeng kung saan huli itong namataan sa 410 km East ng Borongan City, Eastern Samar.

Gumagalaw Pakanluran sa bilis na 15 km/h taglay ang lakas na 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km/h.

Dahil sa bagyo sinabi ng PAGASA na asahan ang malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan naman ang aasahan sa Western Visayas, Marinduque, Romblon, at Quezon.

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay maaaring malakas na pag-ulan sa Caraga, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, mainland Cagayan Valley, Aurora, Rizal, Laguna, at sa natitirang bahagi ng Visayas.

Sa forecast track, maaaring mag-landfall ang PAENG o dumaan nang napakalapit sa Catanduanes bukas ng umaga habang may posiblidad din na maglandfall ito sa umaga Linggo sa Aurora o sa silangang baybayin ng Quezon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *