National

Signal no. 4 sa mga lugar na dinaanan ng bagyong ‘Karding’ tinanggal na ng PAGASA

Tinanggal na ng PAGASA ang signal number 4 salinmang bahagi ng bansa dahil sa bagyong #Karding.

Sa pinakahuling bulletin ng weather bureau huling namataan ang bagyong Karding sa coastal waters ng Santa Cruz, Zambales taglay ang lakas na aabot sa 140 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 170 km/h.

Dahil dito nakataas pa rin ang signal #3 sa western section ng Pangasinan, northern at central portions ng Zambales.

Habang signal #2 naman ang natitirang bahagi ng Pangasinan, La Union, southern portion ng Benguet, Tarlac, western portion ng Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at northern portion Bataan.

Ibinaba naman sa signal #1 ang Ilocos Sur, iba pang bahagi ng Benguet, western portion ng Ifugao, western portion of Mountain Province, Quirino, Nueva Vizcaya, central at southern portions of Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, Metro Manila, extreme northern portion of Quezon, Rizal,western portion of Laguna, western portion of Batangas, Cavite, at ang northern portion ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 hour ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 hour ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 hour ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 hour ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

2 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 hours ago