Signal number 1, itinaas na sa ilang lugar sa Luzon dahil sa Bagyong Kiko

Patuloy na lumlakas ang bagyong Kiko habang ito ay nasa silangan ng Central Luzon, sa Philippine Sea.

Kaninang alas-4 ng umaga ay huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 785 km Silangan ng Baler, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph malapit sa gitna at pagbugso na pumapalo sa 230 kph.

Kumikilos ang bagyo papunta sa kanlurang direksyon sa bilis na 20 kph.

Dahil diyan ay itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa ilang lugar sa Luzon kabilang na ang eastern portion ng Cagayan, at sa northeastern portion ng Isabela.

Ayon sa PAGASA, simula bukas ng gabi ay asahan na ang  heavy to intense at kung minsan ay torrential rains dahil sa bagyo sa Cagayan kabilang na sa Babuyan Islands at northern Isabela.

Posible rin maranasan ang katamtaman hanggang sa mabigat, at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes at sa nalalabing bahagi ng Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *