Signal number 1, itinaas sa Batanes, Babuyan Islands dahil sa bagyong Fabian

Itinaas ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes at Babuyan Islands kasabay ng inaasahang paglakas lalo ng Bagyong Fabian.

Ayon sa weather bureau, inaasahan nito na mararating ng bagyo ang peak nito bukas (Biyernes).

Base sa huling update ng PAGASA ay huling namataan ang bagyo sa layong 670 kilometers ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kph malapit sa gitna at pagbugso na pumapalo sa 185 kph.

Dahil diyan ay isinailalim ng PAGASA sa TCWS no. 1 ang Batanes at Babuyan Islands dahil sa posibilidad na maranasan ang mas malakas na ihip ng hangin sa mga apektadong lugar.

Samantala, inaasahan na kikilos ang Fabian papunta sa timog, timog-kanluran na direksyon bago ito umabanse papalayo sa gabi ng Biyernes o sa umaga ng Sabado.

Hindi inaasahan ng PAGASA na magdadala ng malakas na ulan sa Pilipinas ang bagyo ngunit makakaimpluwensya naman ito sa hanging habagat na nagpapaulan sa bansa ngayon.

Dahil diyan ay asahan na ang moonsoon rains o ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa:  Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Northern Palawan kabilang na ang Calamian Islands.

Para naman sa nalalabing bahagi ng bansa ay asahan na rin ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na dulot pa rin ng Southwest Moonsoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *