Siklista – patay matapos sumalpok sa concrete barrier sa Maayon, Capiz

Binawian ng buhay ang labing-pitong taong gulang na siklista matapos naaksidente ang bisikleta nito sa Sitio Silab Barangay Batabat, Maayon, Capiz.

Base sa imbistigasyon ng Maayon PNP, nawalan ng kontrol sa manibela ang menor de edad habang binabaybay ang nasabing daan sakay ng kanyang mountain bike at sumalpok sa concrete barrier sa gilid ng daan.

Dahil sa nangyari, nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Isinugod pa ng Maayon Emergency Response Team ang siklista sa Bailan District Hopital para i-revive subalit idineklara ito nga doctor na dead on arrival.

Labis naman ang pagdadalamhati ng pamilya at kaibigan ng biktima sa kanyang maagang pagpanaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *