SIM Card registration – gustong ipatigil

Nanindigan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na dapat munang pansamanatalang itigil ang online registration ng mga SIM cards, kasabay ng pagtanggap ng mga systems ng pekeng pagkakakilanlan at impormasyon.

Ayon kay PAOCC executive director Undersecretary Gilbert Cruz, nakakumpiska sila ng mga equipment na makapagre-register ng nasa 64M cards nang sabay-sabay.

Kaugnay nito, iginiit ni Cruz na dapat i-check ‘physically’ at ‘manually’ ng telecommunication companies at ng mga otoridad ang information ng mga registrants upang matanggal ng mga ito ang mga nagpasa ng dummy information, at mahuli ang mga perpetrators.

Sa sandaling nakahinto muna ang pagpaparehistro online, dapat na na aniyang salain ang mga impormasyong inilagay ng mga nagrerehistro.

Sa huli, iminungkahi ng opisyal ang pag-iisyu ng kautusan na magpapahintulot sa mga telecommunication firms na magkaroon ng reference mula sa mga ahensya na nag-iisyu ng ID upang ma-cross check ang authenticity ng mga ito.

POE, pumalag

Binigyang-diin ni Senadora Grace Poe na ang pagpapatupad ng mandatory sim registration ang nakikita niyang pangunahing problema sa pagtaas ng cases ng scamming sa bansa.

Tinutulan ni Poe ang mungkahi ng PAOCC na suspendihin muna ang online registration ng SIM Cards.

Dagdag pa niya, tila ang pagsususpinde nito ay nagpapakita lamang ng pagsuko ng bansa kung saan maari naman itong resolbahin ng gobyerno at ng mga telecommunication providers (telco).

Samantala, kasalukuyan ng nagtutulungan ang National Telecommunications Commission (NTC) at telco sa pag-iimprove ng proseso ng registration ng mga sim card.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *