SIM card registration, wala umanong kinalaman sa naging problema sa GCash – NTC Bicol

LEGAZPI CITY – Hindi malaman ng National Telecommunications Commission (NTC) Bicol kung paano maiuugnay sa SIM card registration ang isyu patungkol sa problema sa GCash.

Matatandaan kasi na ilan sa mga GCash users ang kamakailang nagpahayag ng pagkagulat at pagkadismaya dahil nawala ang halagang nilalaman ng kanilang account.

Marami ang nabahala lalo na ang mga nag-ipon ng malaking halaga sa nasabing online wallet.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay NTC Bicol Regional Spokesperson, Engr. Samuel Sabile, sinabi niya na ito ay maituturing na insidente ng pangha-hack.

Ang dahilan umano kung bakit isinulong ang pagkakaroon ng SIM card registration ay upang maiwasan ang ganirong uri ng mga insidente.

Ayon pa kay Sabile, kapag nairehistro na ang SIM cards, madali na lamang na tukuyin kung sino ang mga gumagawa ng hacking o iba pang kaugnay na iligal na gawain.

Maaari umanong isa itong ‘cybersecurity issue’ na hindi maaaring isisi sa SIM card registration.

Sinabi niya na sa system ng GCash ang naging problema at sa ngayon ay umaasa siyang naayos na nila at ginagawa na ang lahat upang maibigay ang tamang serbisyo at seguridad sa users.

Sakali man umanong maibalik na sa dati, dapat na tiyakin nila na hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari na nakakaapekto sa kanilang seguridad maging sa pera o load na kanilang iniipon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *