SIM Registration Act, solusyon sa naglipanang text scams – NTC-BICOL

SORSOGON CITY – Naniniwala ang National Telecommunication Commission o NTC na solusyon para matuldukan na ang problema tungkol sa mga text scam ang SIM Registration Act na pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Engr. Ryan De la Cruz ng NTC Regional Office V,  bagama’t wala pa silang gaanong ideya hinggil sa kumpletong detalye at mga implementing rules and regulation ng nasabing batas ay isa lamang umano ang malinaw na ito ang magiging daan upang masugpo na ang paglaganap ng mga text scam.

Anya sa pamamagitan kasi ng nasabing batas ay malalaman at matutukoy na kung sino ang may-ari ng sim card na ginagamit para  makapanloko. Mababatid na noong Lunes ay pinirmahan na ng pangulo ang SIM Registration Act o Republic Act 11934 na may layuning mapigilan ang paggamit ng mga SIM card sa krimen, kabilang na ang text at online scams.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *