SIM registration, pumalo na sa 40M ng SIM users sa buong bansa

Inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na papalo na sa 40 million users ang nakapagparehistro ng kanilang SIM, halos isang buwan bago ang deadline para sa SIM registration.

Ayon sa DICT, na as of March 5, kabuoang 40,498,324 na mga subscribers ang nakarehistro sa system, kung saan 23.97% ito mula sa 168,977,773 million SIM users sa buong bansa.

Ang updated figure ay consolidated mula sa mga datos ng public telecommunications entities (PTEs) Smart Communications Inc. sa (20,630,475), Globe Telecom Inc. (16,788,804), at DITO Telecommunity Corp. (3,079,045). Kaugnay nito, muling hinimok ni DICT Undersecretary at spokesperson Anna Mae Yu Lamentillo ang mga subscribers na iparehistro na ang kanilang SIM upang maiwasan na maabala habang papalapit ang April 26 deadline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *