Simbahan hinimok ang mga mananamplataya na manalig lagi sa Diyos sa gitna ng napakaraming pagsubok sa buhay

CAMARINES NORTE- Hinimok ng simbahan ang mga mananampalataya na manalig lagi sa Diyos sa gitna ng napakaraming pagsubok sa buhay.

Sa kaniyang homily sa Easter Sunday Mass sa Holy Trinity Cathedral sinabi ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet na ang muling pagkabuhay ni Jesus ay nangangahulugan ng bagong simula.

Ito aniya ay pagtawid sa kadiliman patungo sa liwanag, mula sa kasalanan patungo sa katotohanan.

Binalikan ni Alarcon ang mga pangyayari noong kasagsagan ng COVID- 19 pandemic kung saan marami umano ang nawalan ng pagasa at naglahong pangarap dahil sa pagkawala ng trabaho at mga mahal sa buhay.

Aniya marami pa rin ngayon ang hindi nakakadama ng kapayapaan at walang nakikitang liwanag dahil na rin sa digmaan at hidwaan

Mayroon din aniyang mga taong hindi nakikita ang magandang kinabukasan dahil sa kahirapan

Sa mga pangyayaring ito ay binigyang diin ng Obispo na ang Diyos ay hindi nawawala

Mababatid na ito ang unang pagkakataon pagkalipas ng tatlong taon ng pandemya na muling nakapagsagawa ng prusisyon ng mga santo ang mga simbahan.

Mas marami rin ngayon ang mga nag visita iglesia na ang iba ay mula pa sa labas ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *