Simbahan, kinondena ang umano’y marahas na dispersal sa mga raliyesta sa Brookes Point

Kinondena at ikinalungkot ng Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa at Taytay, Palawan ang nangyaring dispersal sa mga raliyesta sa bayan ng Brookes Point nitong nakalipas na Biyernes, April 14, 2023.

Ayon sa Joint Pastoral Statement ng dalawang bikaryato, na inilabas nitong Lunes, nakasaad na kinokondena ng simbahan ang ilegal na pag-aresto sa ilang raliyesta sa harap ng daan-daang gwardya ng Ipilan Nickel Corporation.

Legal umano ang rally ng mga taga- Brookes Point subalit iginigiit lamang nito na mapatigil ang operasyon ng minahan sa kabila na expired na ang permit nito mula noong ika-1 ng Pebrero at mayroo na rin Cease and Desist Order sa Lokal na Pamahalaan.

Para sa bikaryato, naging marahas ang dispersal sa mga raliyesta na naroon makalipas ang tatlong buwan na pagsasakripisyo para sa kalikasan.

Sa kabilang banda, ikinalungkot ang tila pag-pabor ng kapulisan ng Brookes Point sa panig ng Ipilan Nickel Corporation at habang dinadampot umano ang ilan sa raliyesta at nanonood lamang ang pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *