Simbahang katoliko, hindi umano magbabago ang pananaw tungkol sa pagtutol sa divorce bill – Arch Diocese of Legazpi

LEGAZPI CITY – Tutol pa rin hanggang sa ngayon ang simbahang Katoliko at hindi kailanman mababago ang kanilang pananaw hinggil sa pagsusulong ng panukalang batas na may kinalaman sa divorce.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Fr. Rex Arjona, tagapagsalita ng Arch Diocese of Legazpi City, sinabi nito na nananatili pa rin sila sa katuruang nakasaad sa Bibliya laban sa diborsyo.

Aniya, asahan na umanong laging tututol ang simbahan sa pagpapasa ng panukalang ito sapagkat hindi naman maaaring maging hindi tapat sa itinuturo ng Bibliya.

Sinabi rin niya na hindi niya nakikitang makikiisa ang simbahang Katoliko maging ang simbahang Kristiyano sa anumang batas na labag sa turo ng Bibliya.

Dagdag pa ni Arjona, batid niyang hindi naman dapat na Bible-based lamang ito ngunit tinitignan niya rin ang magiging epekto ng divorce, kung saan, kapag madali na lamang sa mga tao ang makipag-divorce ay hindi na magiging mabuti ang pundasyon ng mga pamilya.

Paalala naman ni Arjona, kailangang paghandaan ang pagsasama kung saan ito dapat ay hindi napipilitan; at kung mayroon mang nagkakalabuan, mayroon naman umanong counseling services na ibinibigay ang simbahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *