Sinasabing ‘Girlfriend’ ni Russian leader Putin pinatawan ng sanction ng US Treasury

Pinatawan ng sanction ng US Treasury Department ang sinasabing girlfriend ni Russian President Vladimir Putin.

Ayon sa pahayag ng Treasury Department si Alina Maratovna Kabaeva ay pinatawan ng sanction dahil sa pagiging leader, official, senior executive officer o miyembro ng board of directors ng Government of the Russian Federation.

Una nang pinatawan ng sanction ng European Union at ng United Kingdom si Kabaeva dahil sa koneksyon nito kay Putin.

Matatandaan na base sa report ng Wall Street Journal, posibleng mas uminit ang tensyon kapag pinatawan ng sanction ng America si Kabaeva dahil sa close proximity nito sa Russian president.

Samantala, papatawan din ng visa restriction ng America ang 893 na Russian Federation officials at 31 na mga foreign government officials na sinasabing nagpakita ng suporta sa annexation ng Russia sa Crimea region ng Ukraine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.