Sinaunang Makeup Foundation noong panahon ng Renaissance naitala bilang “Most Toxic Makeup in History”

NAITLA kamakailan lang sa Guinness World of Records ang pambihirang gamit pampaganda ng mga sinaunang kababaihan noong panahon ng Renaissance, kung saan tinawag ito na Venetian Ceruse, isang espesiyal na foundation na kinikilala bilang “Most Toxic Makeup in History”.

Ang Venetian Ceruse ay pumatok noong 16th century at tumagal ng hanggang 19th century dahil sa kakaibang milky alabaster complexion na taglay nito sa tuwing inaapply sa kutis.

Subalit ayon sa ulat, ang cosmetic na ito ay nagtataglay ng venomous powdered na nagiging daan upang unti-unti malason ang taong gumagamit nito, ilan sa mga insidenteng nairereport patungkol dito ay nakakaranas umano ng paglalagas ng buhok, paglalagas ng  buhok sa kilay, gayundin ng  mga ngipin, pagkakaroon ng pitted scar sa balat, at karaniwang nagiging sanhi ng pangmatagalang health problems katulad ng cognitive decline o pagpurol ng isip ,maari rin magkaroon ng posibilidad na maging infertile,  ma-coma, magkaroon ng mga seizures at ang pinaka-malala sa lahat ay maging sanhi ito ng kamatayan.

Walang kamalay-malay ang mga kababaihan noon na unti- unti nang naapektuhan ang kalusugan nila sa tuwing ginagamit ang nasabing make-up.

Sa kabila nito hindi matawaran ang kasikatan ng produktong ito pagdating sa mga kababaihan noon, kahit na may mga  ilan ng mga cosmetic brands ang lumabas na di hamak mas safe at ligtas gamitin, ang naturang Venatian Ceruse parin ang kanilang pinipili dahil sa pagiging long-lasting at magandang coverage na dulot nito sa mukha.

 Natapos ang pagreyna ng produktong ito noong 1800s bunsod ng mga naitalang biktima nito, isa na dito ang 28 years old na babae na si Maria Coventry kung saan kinilala ang kanyang pagkamatay na  “Death by Vanity“.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *