Singil ng mga parking attendant sa Naga, lininaw ng Tourist Police

NAGA CITY – Boluntaryo lamang ang pagbibigay at hindi kailangang singilin ng mga Parking Attendant Against Crime na binuo ng Naga City Tourist Police ang mga single motorist na nagpapark sa ilang parking area sa lungsod.

Ito ang nilinaw sa Brigada News FM Naga ni PCPT Roderick Macararanga, CTP Head.

Aniya, talagang binuo ang nasabing grupo upang maging organisado,  magandang tingnan at may mga bantay sa mga parking area lalo na para sa mga bisitang pumupunta ng lungsod, isa pa ang makakuha rin ng mga impormasyon kung ano na ang nangyayari sa kalsada ng lungsod mula sa kanila.

Ang hinggil naman sa pagbabayad o pagbibigay nakadepende sa mga motorista at maaari ring hindi magbigay. Nagiging hanap-buhay na rin kasi nila ito lalo na’t maghapon rin namang nakabantay upang masiguro din ang seguridad lalo na’t may insidente pa rin ng nakawan sa lungsod.

Ayon pa sa opisyal, umaabot ng P300.00 hanggang P500.00 o higit pa ang kita lalo na kung may mga galanteng motorista, paraan na rin kasi upang makatulong.

May mga nagbibigay ng hanggang P5.00 o P10.00.

Nakatakda naman na muling magpapagawa ng uniporme o chaleco ang opisina para mas makilala rin ang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *