Singil sa kuryente ng Canoreco na babayaran ngayong Abril bumaba

CAMARINES NORTE- Bababa ng Php0.7889 per kWh ang singil sa kuryente ng Camarines Norte Electric Cooperative ngayong Abril.

Bumaba kasi ang billing rates para sa March 2023 billing na babayaran ngayong buwan kumpara noong February.

Ang residential rate ay Php15.5762 per kWh na lamang kumpara sa Php16.3651 per kWh noong nakaraang February 2023 billing.

Ang commercial low voltage rate ay Php14.6226 per kWh at ang commercial high voltage rate naman ay Php12.8141 per kWh.

Ayon sa Canoreco ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Blended Generation System Charge dahil sa mas mababang Fuel Cost (Coal Price) na binayaran sa Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng February 2023.

Bumaba ang nasabing Fuel Cost ng Php0.6061 per kWh mula Php8.5245 per kWh pababa sa Php7.9184 per kWh.

Dahil dito mababawasan ng Php78.89 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na komukunsumo ng 100kWh.

Habang Php157.78 ang mababawas para sa mg kumukunsumo ng 200kWh at Php236.67 para naman sa mga kumukunsumo ng 300kWh.

Gayunpaman, tumaas ang effective rate ng Canoreco sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Php6.7188 per kWh kumpara sa Php3.9922 per kWh lamang noong nakaraang February Bill dahil sa pagbaba ng average supply margin sa Luzon at Visayas nang nasa 21.19% kumpara sa average supply margin noong January 2023.

Iniuugnay din ang pagtaas na ito sa pagbabalik sa normal na operasyon ng mga establisyimento matapos ang Holiday Season na humantong sa pagtaas ng average demand sa 7.07%.

Bumaba naman ang Transmission System Charge dahil sa mas mababang Power Delivery Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), System Loss Charge, Lifeline Rate Subsidy ng at ang Value Added Tax (VAT) Charges.

Natapos na ang pagkolekta ng Generation Rate Adjustment Mechanism/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (GRAM/ICERA) Deferred Accounting Adjustments (DAA) na kinolekta sa loob ng 60 buwan ng PSALM Corporation.

Nananatili namang suspendido pansamantala ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff (FIT-All Charge) dahil sa ERC Resolution No. 12, Series of 2022 na nagsimula noong December 2022 billing hanggang February 2023 billing at ipagpapatuloy mula March 2023 billing hanggang August 2023 billing base sa pinakabagong ERC Notice of Resolution noong February 22, 2023.

PHOTO COURTESY: CANORECO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *