Single day COVID-case sa Naga City umabot sa 104; bilang ng mga namatay sa lungsod 138 na

NAGA CITY –  May namatay na namang dalawang senior citizens sa lungsod ng Naga, dahil sa komplikasyon na dulot ng Corona Virus Disease, dahilan para pumalo na sa 138 ng lahat ang bilang ng mga nasawi.

Ang mga namatay na lolo ay mga taga Barangay San Felipe, 81 taong gulang at 80 taong gulang na taga Barangay Balatas, isa sa kanila ay naka 1st dose nan g bakuna at ang isa wala pang bakuna.

Sa Bicol Medical Center sila binawian ng buhay, batay sa detalye na inilabas ng Health Emergency Response Task Force.

May mga batang nahawaan na naman na nasa 4 na taong gulang hanggang 11 taong gulang kaya positibo rin sila sa virus, kabilang sila sa 55 mga may closed contact sa loob mismo ng bahay nila.

Umabot sa 27 mga fully vaccinated  ang tinamaan pero mas marami pa rin naman ang unvaccinated na nag positibo na umabot sa 60.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *