Sinigang, world’s ‘best soup’ — Taste Atlas

It’s sinigang’s time to shine! Ito ay matapos na kilalanin ng international food database na Taste Atlas ang lutong Pinoy na Sinigang bilang world’s ‘best vegetable soup’.

Nakakuha kasi ito ng 4.8 stars rating out of 5 base sa boto ng mga culinary professionals and diners sa buong mundo.

Ang Sinigang ang tanging nakakuha ng 4.8 stars na sinundan ng skābeņu zupa ng Latvia, fagiolata ng Italy at ogbono soup ng Nigeria na pare-parehong nakakuha ng 4.7 stars. Nakakuha naman ng 4.6 stars ang mercimek çorbası ng Turkey at 4.5 ang Šaltibarščiai ng Lithuania. Sila ang mga kabilang sa “best” category.

Kabilang naman sa “Great” category na nakakuha ng 4 to 4.4 stars ang bessara soup ng Moroco na may 4.4 stars, vichyssoise ng France na may 4.5, sayur lodeh ng Indonesia na may 4.4, at fakes ng Greece na may 4.2 habang parehong may 4.1 rating ang Borscht ng Ukraine at caldo verde ng Portugal.

Meron namang nasa “OK” category na nakakuha ng 3.5 stars and above kabilang ang 3.8-rated minestrone ng Italy, 3.9-rated gazpacho ng Spain, at 3.8-rated chlodnik litewksi soup ng Poland. Pareho namang nakakuha ng 3.6 rating ang Ärtsoppa ng Sweden at sorrel soup ng Ukraine habang 3.5 rating ang nakuha ng toyga ng Turkey.

Ang mga nakakuha ng mas mababa pa sa 3.5 stars ay bahagi ng “Worst” category kabilang ang Zeleninova polevka ng Czech Republic na nakakuha ng 3.1 stars at krumplileves ng Hungary na nakakuha ng 3.2 stars habang 2.9 stars lamang ang nakuha ng quibebe ng Brazil.

Ang Sinigang na karaniwan sa hapag ng pamilyang Pilipino ay gawa sa sinabawang karne, isda o hipon na inasiman ng sampaloc o iba pang mga maaasim na prutas gaya ng santol, kamias, hilaw na manga, kalamansi at iba pa.

Nilalahukan ito ng mga gulay gaya ng labanos, kamatis, sibuyas, talong, sili, kangkong, sitaw, okra at iba pang mga gulay. Nilalagyan din ito ng taro o gabi para lumapot ang sabaw. May ilan ding gumagamit ng pinanghugas sa sinaing bilang sabaw.

Nagkakaroon ng bahagyang pagkakaiba-iba sa sahog at pagluto depende sa lugar sa bansa.

“With its sour lightness perfectly matching the harsh tropical heat of the country, sinigang is a unique soup that is a true representative of Filipino cuisine,” ayon sa Taste Atlas.

Noong 2019, napabilang din sa Top 100 Best Traditional Dishes in the World ng Taste Atlas ang kare-kare, lechon at crispy pata.

Ang Taste Atlas ay isang online gastronomic database na nagtatampok sa mga local culinary culture ng iba’t-ibang bansa sa buong mundo. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *