Sirang makina at mga nakaharang sa linya ng kuryente ang dahilan ng madalas na brownout ayon sa DMCI

Nagpaliwanag ang DMCI, isa sa mga power provider ng Palawan Electric Cooperative sa madalas na brownout sa mga bayan sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Engr. Roland Antonio Chavez, DMCI Manager, may sira kasi ang isa sa dalawang unit ng generator set sa kanilang planta sa Brgy. Tabon, Quezon kaya nagkukulang sila sa naisusuplay na kuryente sa ngayon kaya patay-sindi ang ilaw.

Hindi daw kaya ngayon ng isa nilang makina na mag- provide ng kinakailangang mega watt sa buong bayan ng Quezon Palawan.

Ang ibang suplay ng kuryente ngayon ay nagmumula sa sub- station ng PALECO sa bayan ng Narra pero dahil sa malayo ang linya ay naapektuhan ito ng tinatawag na ‘vegetation’ o mga sagabal sa distribution line kaya laging brownout.

Sinabi pa ni Engr. Roland na ngayong linggo ay inaasahan nila na malilipat at mapapalitan na ang nasirang makina dahil long-term solution na rin daw na nakalatag ang DMCI katulad ng paglalagay ng 2 panibagong makina para magtuloy-tuloy ang kailangang power supply.

Humingi ito ng paumnahin sa mga apektadong konsyumer.“Nasira kasi ang alternator ng isang [unit] natin so ang isang makina ay hindi kayang i- provide ang requirement ng buong Quezon… kaya ang power galing na sa substation sa Malinao sa PALECO Grid”- Engr.Roland A. Chavez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *