Bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte nagbuo ng sistematikong panuntunan ang Provincial IMT para makontrol ang lalo pang pagkalat ng sakit sa probinsya
Sa pagpasok ng border checkpoints ay pagiibayuhin na ang pagbabantay kung saan sinumang papasok ng Camarines Norte ay obligadong magprisinta ng negatibong resulta ng Rapid Antigen Test mula sa lugar na pinanggalingan nila At kung wala naman maipiprisintang Negatibong resulta ay isasailalim ito sa antigen test sa itinalagang testing center
Nagtakda na rin ng lugar para sa mga magpopositibo sa COVID-19 at agad na ipapaalam sa LGU na nakakasakop sa kanila kung sila ay mild o asymptomatic
Kung asymptomatic ay tatawagan ang hotline ng COVID ward facility ng Pamahalaang Panlalawigan para sunduin ang pasyente at ito ay sumailalim sa quarantine
Samantala, nilinaw ni Atty Don Culvera na kahit balikan lamang ang byahe ng isang indibidwal ay kailangan pa ring magpakita ito ng negatibong resulta ng Rapid antigen test
Una ng iniutos ng Provincial IMT sa mga kapulisan at mga tauhan ng PDRRMO sa border checkpoints na kahit may approved nang Online Traval Pass Application ay kailangan pa rin ang mahigpit na pagsusuri ng validity ng rapid antigen test
