Local News

Sisterhood ng Legazpi City at Henyang City ng China, muling bubuhayin

LEGAZPI CITY – Muling nagkaroon ng pag-uusap si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal at ang opisyal mula sa Hengyang City ng bansang China tungkol sa pagbuhay at pagpapalakas ng kanilang kasunduan bilang sisterhood.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa alkalde, sinabi nitong hinihintay nila ang bise alkalde ng Henyang para sa isang dayalogo sa ilan pang mahahalagang bagay, partikular na ang pagbabahagi ng mga ideya at pagpapatupad ng programa sa pagpapaunlad ng turismo at kung paano mapapabuti ang sektor ng agrikultura, edukasyon at pakikipag-ugnayan sa negosyo.

Kung matatandaan, ang Legazpi at Hengyang City ay lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) noong 2018 upang lumikha ng isang kasunduan sa pakikipagsosyo.

Dagdag pa nito, sa na-renew na kasunduan, maaaring hikayatin ang gobyerno ng Hengyang na mamuhunan sa mga proyekto ng renewable energy tulad ng mga hydropower plants at solar panel system, kung saan maaaring makinabang ang mga lokal na negosyo, partikular ang publiko.

Naniniwala ang alkalde na magdadala ng hindi bababa sa 3% ng kanilang 80M populasyon upang tumulong na palakasin ang industriya ng turismo na maaaring mag-ambag sa pagpapalakas ng mga gawaing pang-ekonomiya sa lunsod.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

17 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

17 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

17 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

17 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

17 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

17 hours ago