Sitti, naka-isolates kasama ang baby matapos mahawa sa COVID-19

Kasalukuyang naka-isolate ang singer na si Sitti Navarro, kasama ang baby nito matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa kabila nito, tiniyak ni Navarro sa kanyang fans na maayos ang kanyang kondisyo sa kabila ng naturang sakit, habang nagpapasalamat ito na ang ikalawang anak ay walang anumang sintomas.

Sa kanyang post noong January 6, ibinahagi ng mang-aawit na ang kanyang asawang si Joey Ramirez, ay natapos na sa isolation dahil rin sa COVID-19.

Samantala, nadagdag rin ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa listahan ng mga celebrities na nahawa sa coronavirus sa pagsisimula ng 2022.

Pagbabahagi ni Alawi, siya kasama ang ina at kapatid na si Hash, ay nagpositibo sa COVID-19, sa kabila ng mahigpit na pagsunod sa health measures, simula nang magsimula ang pandemya.

Samantala, nagpapasalamat rin ito na negative sa virus ang isa pang kapatid na si Mona na isang immunocompromised.

Leave a Reply

Your email address will not be published.