Local News

Sitwasyon sa Datu Paglagas, Maguindanao, kontrolado na ng militar; 4 na IED, narekober sa highway

KORONADAL CITY — KONTROLADO na ng militar ang sitwasyon sa Datu Paglas, Maguindanao matapos nilusob ng mahigit sa 100 mga armadong Bangsamoro Islamic Freedrom Fighters o BIFF ang palengke ng nabanggit na bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Lt. Col. John Paul Baldomar, spokesperson 6th Infantry Division ng Philippine Army, kinumperma nito na nakuha na rin nila ang kontrol ng public market ng bayan at nagsasagawa na sa ngayon ng clearing operation.

Nilinaw din ni Baldomar na apat na improvised explosive device ukon IED ang kanilang nakuha mula sa national highway na unang binarikadahan ng mga sasakyang inagaw ng BIFF.

Sa ngayon, patuloy umano ang kanilang clearing operation sa national highway upang agad na mabuksan sa mga na-stranded na motorista papuntang Davao Region at Sultan Kudarat.

Nagpapatuloy din umano ang “panelling of IED” ng militar sa palengke upang masigurong walang pampasabog na iniwan ng mga rebeldeng posibleng maka-pinsala sa mga sibilyan.

Sa ngayon, wala naman umanong sugatan sa hanay ng militar sa nasabing putukan at wala din silang natanggap na ulat na may casualty sa panig ng kalaban.

Kaugnay nito, pinasiguro ni Baldomar na patuloy ang kanilang monitoring sa galaw ng mga rebelde lalo na sa mga karatig-lugar na posibleng puntahan ng mga ito mula sa Datu Paglas.

BNFM Koronadal

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

20 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

20 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

20 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

20 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

20 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

21 hours ago