SK Federation, MSWDO at LYDO nagsagawa ng mental health awareness seminar sa Camalig, Albay

Nagsagawa ang SK Federation ng Camalig, MSWDO, LYDO ng mental health awareness webinar bilang tugon sa nakakagambalang mga kaso ng suicide sa nasabing bayan.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) ng Camalig sa pamamagitan ng SK at MSWDO, inilatag nila ang mga hakbang at agarang interbensyon upang matugunan ang kasalukuyang mental health crisis sa bayan.

Ibinahagi ng rehistradong Guidance Counselor at Certified Mental Health Advocate Francis Martillano ang kanyang kadalubhasaan na binibigyang-diin ang paghingi ng propesyonal na tulong.

Dagdag pa rito, nagpahayag ng pasasalamat ang si Mayor Caloy Baldo sa mga komite at sa mga kalahok na nakibahagi.

Nagsimula rin ang Municipal Health Office (MHO) at MSWDO sa paglunsad ng suicide prevention hotline at mental health seminar bilang preventive measures nito.

Ang nasabing mga paunang interbensyon ay isinagawa bilang tugon sa mga naitalang kaso ng suicide mula 2022 hanggang sa kasalukuyan na umabot sa apat na insidenteng nag-udyok sa LGU na lubos na bigyang-prayoridad ang pagbubuo at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa mental health awareness at suicide prevention.

Bukod pa rito, upang higit pang suportahan ang adbokasiyang maiwasan ang mga kaso ng pagpapakamatay at iba pang kaugnay na insidente, plano nito na magsagawa ng intensive mental health awareness at suicide prevention campaign sa mga paaralan at barangay, gayundin ang pagsisimula ng mga proyektong nakatuon sa pakikilahok ng kabataan at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *