SUBIC-Nagbigay nang livelihood trainings ang sangguniang kabataan ng San Isidro, bayan ng Subic.
Ito ay para matulungan ang mga Out of School Youth na magkaroon ng pagkakakitaan at makatulong sa mga magulang sa pamamagitan ng aesthetic o personal care.
Ayon kay Sangguniang Kabataan President Mariel Leigh Mirador labing-apat na mga Out of School Youth ang nagbinipisyo sa proyekto.
Samantala, nagbigay naman ng mga libreng kagamitan ang SK para magamit sa pagpapasimula ng kaunting hanapbuhay.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SK San Isidro