SK3, sapat ang puwersa para sa pagbabantay ngayong Semana Santa

Tiniyak ng pamunuan ng Seguridad Kaayusan Katranquilohan Kauswagan o SK3 na sapat ang kanilang puwersa para magbantay ngayong Semana Santa partikular na sa mga aktibidad na isasagawa kaugnay nito.

Ayon kay Task Force SK3 head Arnel Anchinges, maayos na din ang koordinasyon nila sa Sorsogon City PNP maging sa iba pang force multipliers tulad ng mga Barangay Tanod.

Paliwanag nito, mahalaga umano na marami silang makakatuwang sa pagbabantay  lalo pa at magsasagawa ng hiwalay na prosisyon ang Fatima Church at St. Peter and Paul Cathedral bukod pa sa simbahan sa Distrito ng Bacon, kung kaya tiyak na magiging malawak ang saklaw ng kanilang pagbabantay.

Gayunpaman, sinabi ni Anchinges na sa kabuuan ay handa na  sila kung saan bukod sa posibleng pagpapatupad ng re-routing kanila na din umanong naabisuhan ang mga jeepney at tricycle driver na iwasan na lamang ng mga ito ang pagdaan sa mga kalye na pagdadausan ng naturang mga prosisyon.

Una rito, tiwala ang opisyal na sa kooperasyon ng lahat ay maayos na maidaraos ang mga aktibidad ngayong semana santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *