Skeletal Work force sa mga guro ipinapatupad kasunod ng lifting ng 2- week academic freeze

CAMARINES NORTE – Maaari na muling pumasok ang mga guro sa eskwelahan dahil  “lifted” na ang dalawang linggong academic freeze na ipinatupad ng Provincial Incident Management team mula noong May 10 hanggang May 23 dahil sa banta ng COVID- 19.

Pero ayon kay Schools Division Superintendent Nympa Guemo susundin pa rin ang skeletal work force kung saan dalawa o tatlong araw on- site o kaya naman ay dalawa hanggang tatlong araw din na work from home.

Aniya, malinaw naman ang instruction ng Division Office sa kanilang mga tauhan sa field.

At dahil sa ipinatupad na dalawang linggong academic freeze kakailanganin ang pagsasagawa ng make- up classes upang mapunan ang required number of school days batay sa ipinalabas na memorandum ng Division Office bago pa ipatupad ang academic freeze.

Dahil kasama ang mga araw ng Sabado sa number of school days ay maaaring gawin ang make- up classes ng anim na Linggo simula sa huling linggo nitong buwan hanggang July 4 o kaya ay palawigin ang oras ng klase kada araw.

Magtatapos ang School Year 2020- 2021 sa July 10 ng taong kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *