SLF sa So.Cot, madadagdagan na

UMAASA ang Provincial Environment Management Office o PEMO South Cotabato na madadagdagan pa ang mga Sanitary Landfill o SLF sa probinsya.

Inihayag ni Senior Environment Management Specialist Jobie De Jesus ng PEMO na may plano na ang ilang mga LGUs na magpatayo ng sarili nilang SLF para sa management ng mga basura na nakapaloob sa kanilang 10 year Solid Waste Management (SWM) Plan.

Kabilang sa mga ito ang Tampakan na magsasagawa na ng groundbreaking, Tantangan at Norala. Sa ngayon, tatlo pa lang ang SLF sa South Cotabato, ang Surallah Clustered Sanitary Land Fill, Polomolok SLF at Koronadal SLF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *