SM City, pang-apat na supermall sa Bicolandia, magbubukas na sa Sorsogon

Magbubukas na ngayong araw sa publiko ang pang-apat na supermall ng SM sa lungsod ng Sorsogon at pang-81st sa bansa.

Estratehikong matatagpuan ito sa mahigit 130K square meter site sa kahabaan ng Brgy Balogo, higit sa lahat, ito ay magiging isang ‘catalyst’ o katalista para sa mga oportunidad sa trabaho at negosyo sa mga Sorsoganon.

Aabot sa 88 tenant stores ang magbubukas na ngayong araw sa publiko, subalit ang bilang ay inisyal lamang na magbubukas na tenants. Mainstay pa rin ang SM Store at SM Supermarket maging ang BDO, SM Appliance Center, ACE Hardware, Watsons, Surplus, Sports Central at Miniso.

Para naman sa mga techie shopper ay nasa SM ang Cyberzone, mga fashion boutiques, shoe stores, jewelry stores, eyewear stores at sports stores.

Eating option pa rin ang Food Court, mga specialty restaurants, international at local food chains katulad ng Kenny Rogers, KFC, Boteyju, Jollibee at mga milk tea brands.

Ang mga Sorsoganon ay maaari na ngayong magpakasawa sa kanilang mga paboritong matamis na delicacy sa JCO at sa mga ginustong timpla ng kape sa Starbucks.

Sa mga mahihilig naman manood ng sine ay may tatlong digital cinema, may amusement center sa mga bata at wellness center.

Ang open parking ay kayang tumaggap ng 705 behikulo. Ang mall ay katabi lamang ng PUV at Jeep terminal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *