Smart nagsasagawa ngayon ng mobile sim card registration sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nagsasagawa ngayon ng mobile sim card registration ang Smart Communications, Inc. sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ang mobile registration ay gagawin sa loob ng tatlong araw simula ngayon, Pebrero 8 hanggang sa Biyernes, Pebrero 10 sa Jimmy P. Lo Sports Complex para sa Smart, TNT, Smart Bro and Home Subscribers.

Ang magpaparehistro ng sim ay inaabisuhang magdala ng anumang valid government ID.

Kaninang umaga ay kakaunti pa ang nagtutungo sa booth ng smart para magpa- assist sa pagpaparehistro.

Ilan sa mga ito ay senior citizen na ayaw nang hintayin ang huling araw ng sim card registration.

Matatandaan na simula noong Disyembre 27, 2022 ay inilunsad ng naturang mobile service provider ang online SIM Registration portal para i- facilitate ang mas madali at ligtas na pagpaparehistro bilang pagtalima sa  SIM Registration Law.

Bukod sa smart ay kaniya- kaniya ring information campaigns ang ginagawa na iba pang telco para maipaalam sa kanilang users kung paano magĀ­rehistro sa kanilang online platforms.

Kabilang naman sa mga impormasyon na kailangang ibigay ng magpaparehistro sa registration form ay ang kanilang pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian at home address.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *