SMB, tinabla ang semis series kontra TNT sa 2-all

Tabla na sa 2-all ang best-of-seven semifinals series ng San Miguel Beermen at ng TNT Tropang Giga sa 2021 PBA Philippine Cup sa Pampanga.

Ito ay matapos pataobin ng Beermen ang TNT sa score na 116-90 sa Game 4.

Sinamantala naman ng SMB ang pagkakataon nang mapilitan ang TNT na maglaro na wala ang ilan sa mga big men nito.

Kinailangan kasing maitakbo sa ospital si Poy Erram matapos ang banggaan nila ni Mo Tautuaa sa second quarter habang naharap naman sa maagang foul trouble si Troy Rosario

Hindi na pinahabol ng SMB ang TNT hanggang sa huling buzzer, kung saan ay umabot pa sa 37 ang pinakamataas na agwat ng score sa third quarter, nang umabot ito sa 81-44.

Si Mo Tautuaa ang nanguna sa Beermen na may 25 points at nine rebounds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *