Tiniyak ng Manila Electric Company o MERALCO na ginagawan na nila ng paraan para matiyak na hindi ninipis ang suplay ng kuryente.
Kasunod ito ng pagtanggap nila ng notice of cessation of supply mula sa San Miguel Global Power na na nangangahulugang ihihinto na nito ang pagbibigay ng 670 megawatts ng kuryente sa MERALCO.
Bunsod ito ng pagi-isyu ng Court of Appeals ng temporary restraining order (TRO) sa naturang power deal.
Ayon kay MERALCO spokesperson Joe Zaldarriaga, hinahanapan na nila ng solusyon ang naturang pagputol sa deal ng San Miguel Corporation para maibsan ang epekto sa milyun-milyong konsyumer ng MERALCO.
Sa ngayon, pansamantala umano silang kumukha ng suplay ng kuryente sa wholesale electricity spot market kung saan ang presiyohan ng energy ay nakadepende sa kasalukuyang supply and demand nito.
Nakikipagnegosasyon na rin umano ang MERALCO sa iba pang mga generation companies para masalo ang nawalang 670MW na suplay ng kuryente.
#
READ MORE:
Mukabat sa kapin P5.4 Million kantidad sa gituohang shabu ang nakumpiska sa otoridad atol sa…
Gitunolan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kagahapong adlawa, Huwebes og kinatibuk-ang Php…
Nasungkit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong titulo bilang Box Office King and…
Arestado ang empleyado sa gobyerno kauban ang laing duha ka indibidwal sa gilusad nga drug…
Sinimulan na ng Senado ang proseso sa citizenship ni Bennie Boatwright para mapasama sa Gilas…
CAMARINES NORTE - Inirekomenda ng Philippine Coast Guard sa Lokal na Pamahalaan na maglagay ng…