Smoke house facility pinasok ng tubig, ilang bangka nagkaroon ng sira

Pinasok ng tubig ang soke house facility ng Bankero & Fishermen Association sa Barreto, Olongapo.

Ito ay kasunod ng mataas na tubig kagabi, naranasang malakas na hangin at mga pag-ulan.

Ayon kay Bankero & Fishermen Association Chairman Noli Boy Cocjin, maliban sa kanilang pasilidad ay may ilang bangka rin ang nagkaroon ng sira.

Matatandaan hanggang kagabi ay nakaranas pa ng malalakas na hangin at pag-ulan ang lungsod dulot ng Bagyong Paeng.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Noli Boy Cocjin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *