Smuggled carrots mula China, pinangangambahang may formalin

BENGUET – Pinangangambahang kargado ng formalin ang mga smuggled carrots na baha ngayon sa mga pamilihan sa Benguet.

Ito ang babala ni Agot Balanoy ng Highland Farmers Cooperative kasabay sa pagsulputan ng mga smuggled carrots na mas malaki, makinis at mas mura ikumpara sa lokal na carrots.

Ayon kay Balanoy, noong 2007 ay naranasan na rin ito ng mga magsasaka sa Benguet at ng kalaunay natuklasan na kargado pala ng formalin ang mga smuggled carrots.

Giit ni Balanoy, ang preskong carrots ay nalulusaw o nabubulok sa loob lamang ng ilang araw hindi kagaya sa mga smuggled na tumatagal ng ilang araw at sadyang makinis pa ang itsura.

Dagdag pa nito, sadyang talamak ang suplay nito sa bawat pamilihan sa kanilang lugar at itinuturing nila itong smuggled.

Batay umano sa pahayag ng Bureau of Plant Industry, wala silang in-approve na permit ng mga imported vegetables na makapasok sa bansa.

Nabatid na ang naturang mga carrots ay umabot na rin sa Cebu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *