Nilinaw ni Defense Sec. Gibo Teodoro na hindi naman daw Pilipinas lang ang mayroong ginawang planong pagba-ban ng TikTok sa mga security personnel.

Ito ay makaraang mabanggit ng National Security Council (NSC) na posible raw ipagbawal ang naturang Chinese social media app sa mga military and uniformed personnel dahil sa banta nito sa security.
Sa isang panayam, sinabi ni Teodoro na mayroon talagang mga bansang nagbawal na sa mga ganitong uri ng apps, lalo na kung ii-install ito sa mga government-issued phones.
Sa ngayon, ipauubaya na raw nila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang desisyon para rito.
Aniya, hahayaan niya ang mga eksperto para i-determine kubng ito ba ay banya sa ating segurida o hindi.