So.Cot bumili ng patient transport vehicles

KORONADAL CITY- DUMATING na sa South Cotabato ang binili ng provincial government na 3 ka units ng brand new 4×4 Patient Transport Vehicles sa ilalim ng  administrasyon ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Dalawa sa naturang mga sasakyan ay ibibigay sa operations section ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang mapabilis ang kanilang response at rescue services habang ang isa ang ibibigay naman sa  Barangay Ned Lake Sebu Health and Disaster Team para sa kanilang mabilis na pagresponde sa panahon ng emerhensya.

Maliban dito, bumili din ang lalawigan ng dalawang 4×4 pick up vehicles para sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) at Provincial Development Office-Convergence Team.

Ayon kay PDRRMO OIC Rolly Aquino na importante ang naturang mga sasakyan sa pagresponde sa panahon ng kalamidad at emergency cases at paghahatid ng basic services sa mga mamamayan lalo na’t may mga lugar pa rin sa lalawigan na mahirap pasukin ng mga regular na sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *