KORONADAL CITY- HUMAKOT ng parangal ang Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato sa ginanap na 2023 Pugay Kalusugan – Regional Awarding Ceremony ng Department of Health o DOH Region 12.
Kabilang sa mga award na natanggap nito ang HIV Treatment Facility Quality Service Award, Pulang Laso Excellence Award, Best Performing Province for National Tuberculosis Control Program, Filariasis-Free Sustainability Award, Malaria-Free Sustainability Award, at Top Performing Provincial Epidemiology Surveillance Unit o PESU.

Nasungkit din ng lalawigan ang pinakamataas na parangal, ang Local Health Systems Award. Ito ay nagpapatunay lamang ng maayos na pagpapatupad ng South Cotabato ng mga programa para sa kalusugan.