So.Cot naglaan ng P 1 million sa “Buntot ni Daga, Bigas Mo” campaign

KORONADAL CITY- NAGLAAN ang provincial government ng South Cotabato ng P 1 million na pondo para sa bigas na gagamitin sa programa nitong “Buntot ni Daga, Bigas Mo” Campaign ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAg at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.

Ayon kay Ronald Pacol, Integrated Pest Management Coordinator ng OPAg na sa nakaraang limang taon, umabot na sa P 69 million ang pinsalang dulot ng mga pesteng daga sa mga taniman.

Inihayag ni Pacol na bagamat namimigay ang mga ito ng rodenticides sa mga magsasaka, ngunit tila hindi na umano ito nagiging epektibo kung kayat kailangan na ang mano-manong panghuhuli at pagkontrol sa populasyon ng mga dagang bukid.

Ang mga nakolektang buntot ng daga ay dapat isumite sa Office of the Municipal Agriculturist o OMAg tuwing Martes.

Sa isinagawang launching ng “Buntot ni Daga, Bigas Mo” campaign noong nakaraang lingo, umabot sa mahigit 4,000 na buntot ang nakolekta at naisumite sa OMAg ng mga mangunguma mula sa bayan ng TBoli at Surallah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *