So.Cot, naglaan ng P 31 million sa 2023 T’nalak Festival

KORONADAL CITY- NASA P 31 million ang inilaang pondo ng provincial government ng South Cotabato para sa pagdiriwang ng ika-24 na T’nalak Festival at ika-57 Foundation Anniversary ng lalawigan sa July 13 hanggang July 18, 2023.

Inihayag ni Provincial Information Officer Rudy Jimenea na itinalagang Festival Director, dinagdagan nila ng P 10 million ang unang inilaan na P 21 million sa annual budget dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Malaking bahagi aniya ng naturang pondo ay mapupunta sa Street Dancing Competition, Opening program at Foundation Anniversary program.

Ayon kay Jimenea na malaki ang pondo ng Street Dancing dahil malaki din ang ibbigay na seed fund sa mga sasali.

Samantala, inaasahan naman ang pagdalo ni President Ferdinand Marcos Jr sa Foundation Anniversary sa July 18 bilang panauhing pandangal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *